Lunes, Pebrero 27, 2017

Introduction:

Isa, Dalawa, Tatlo, Pumili ng Anggulo.




 Apat, Lima humarap sa Kamera.



Anim, Pito huwag papatalo. 



Walo, Siyam, Sampo humanda na kayo.




Ang Litrato o larawan ay isang bagay na maaaring magpaalala sayo ng mga magaganda at masasayang nangyari sayo o di kaya nama’y masasakit na karanasan. Ito yung mga araw na hindi mo na mababalikan at mababago pa.






Sa buhay natin kumukuha tayo mg mga Litrato na maaaring magpaalala sa atin nng mga masasayang alala. Ang buhay ay parang kuha ng Kamera pwedeng walang kulay, itim at puti, at maaari ring makulay na sumisimbolo sa masayang alaala ng nakaraan. Maaari din itong Katamtaman lamang ang kulay na nagpapahiwatig na may panahong Masaya at panahong malungkot. 







May ibat-ibang uri ng Anggulo para sa kamera:


1. Extreme Wide Side

     Ang unang uri ng kuha ay ang Extreme Wide Shot. Ito ay nakapokus sa background. Malawak ang nasasakop na espasyo nito upang sa gayon ay Makita ng lubusan ang tanawin na nasasakop sa Litrato.




2. Wide Shot

   Ang pangalawa naman ay Wide Shot.Kumpara sa Extreme Wide Shot mas maliit ng kaunti ito ngunit nakikita pa rin ang likuran sa Litrato.




3. Long Shot

   Pangatlo naman ang  Long Shot na nakapokus sa ulo hanggang paa ng subject. Mayroon lamang itong maliit na espasyo sa ulo at paa ng taong kinuhaan ng Larawan.




4. Medium Shot

    Mula sa salitang Medium ibig sabihin hindi masyadong maliit at hindi masyadong malaki ang kuha. Ito ay kalahati ng Long Shot. Mula ulo hanggang baywang.




5. Close  Up

     Panglima ay Close Up Shoot. Ito ay Kahawig ng ID picture na mula sa balikat hanggang ulo lamang.




6. Extreme Close Up

    Pang-anim ay ang Extreme Close Up Shot na nakapokus sa isang  parting mukha tulad ng mata, ilong, labi, kilay at  tenga.






7. Birds Eye View

   Maaari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. 



8. Cut Away Shot


   Ito ay kuha sa nahagip na larawa o Litrato at naka pokus lamang sa isang bahagi o parte ng katawan.






9. Worm’s Eye View

    Ito ay kabaligtaran naman ng Bird’s Eye View dahil ang kuha nito ay mula sa ibaba.













Walang komento:

Mag-post ng isang Komento